-- Advertisements --

Nagbabala ang United Nations na dahil sa kakulangan na ng mga langis at ibang mga resources sa Gaza ay maaring magkaroon ng malawakang outbreak ng mga nakakahawang sakit.

Sinabi ni United Nations High Commissioner for Human Rights Volker Türk na kapag tuluyan ng nawalan ng suplay ng langis sa Gaza na siyang nagpapagana ng mga patubig ay magkakaroon ng negatibong epekto ito sa mga residente doon.

Nakatanggap na umano ang kanilang opisina ng tumataas na kaso ng dehydration at mahigit 300,000 na kaso ng diarrhea sa Gaza.

Ikinalungkot din nito ang pagbalewala sa kaniyang panawagan na pagtigil ng tigil putukan sa nasabing lugar.

Umabot na rin sa mahigit 103 aid workers ng United Nations ang nasawi sa Gaza mula ng magsimula ang pinaigting na paglaban ng Israel sa Gaza.

Hinikayat naman ng mga Israel ang mga residente ng southern Gaza na magtungo na sa mga shelters.

ito ay dahil sa planong ground attacks laban sa mga Hamas.