-- Advertisements --
World Meteorological Organization

Pinaghahanda ng United Nations ang buong mundo sa lumamalang epekto ng El Niño Phenomenon na maaaring maranasan sa susunod na buwan.

Sa ulat ng World Meteorological Organization ng UN, 60% ang posibilidad na magkaroon ng El Niño na maaaring magsimula sa katapusan ng Hulyo.

Maliban dito, may 80% din na posibilidad na maganap ito ng hanggang sa katapusan ng Setyembre ng kasalukuyang taon

Ayon sa UN, malaki ang posibilidad na matunghayan ng publiko na mababasag ang mga heat records sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Dahil dito, hinikayat ng UN ang ibat ibang mga bansa na bumuo na ng mga plano upang matugunan ang posibleng epekto nito, lalo na sa mga lugar na dati nang nakakaranas ng mataas na temperatura.

Ang El Niño ay isang climate pattern na kadalasang naghahatid ng hindi pangkaraniwang mainit na panahon, kasama ang mahaba-habang tag-tuyot o kawalan ng ulan.

Batay sa record ng World Meteorological Organization, huli nitong naganap noong 2018 hanggang 2019.