-- Advertisements --
Binatikos ni Lebanese President Joseph Aoun ang Israel dahil sa hindi nito pinapansin ang iniaalok na negosasyon.
Sinabi nito na makailang alok sila subalit patuloy pa rin ang ginagawang pag-atake nito.
Kabilang na dito ang pamamaril ng sundalo ng Israel sa isang lalaki na nakamotorsilo sa southern Lebanon.
Kahit na nagkaroon na ng ceasefire noong Nobyembre ng nakaraang taon ay nananatili pa rin ang mga sundalo ng Israel sa southern Lebanon at hindi tumitigil ang air strikes kada araw.
Nitong Oktubre ay humiling si Aoun ng ceasefire sa Israel subalit hindi nila ito pinansin.
















