-- Advertisements --

Ikinabahala ng United Nations High Commissioner for Human Rights ang pag-recruit ng mga sundalo ng Russia na mga preso para sumanib sa kanilang mercenary group na Wagner.

Base sa ulat ng UN , na binibigyan nila ng pardon ang mga kriminal na napatawan na ng hatol para kanilang makasama.

Binbigyan din umano nila ng buwanang bayad ang mga kaanak ng mga inmates sa Russia.

Bukod pa dito ay gumagamit ng pananakot at pagbabanta ang grupo para mabilis ang mga ito na makakuha ng mga miyembro.

Hinikayat ng UN ang Russian government na protektahan ang kanilang mga inmates mula sa mga karahasan at pananakot.