-- Advertisements --

Magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang United Nations sa naganap na madugong rocket attack sa isang pagamutan sa Gaza na ikinasawi ng mahigit 500 katao.

Sinabi ni UN Under-Secretary-General for Humanitarian Affairs and Emergency Relief Coordinator Martin Griffiths na nais nilang maging mabilis at agarang imbestigasyon ukol sa insidente.

Hindi pa ito nagbigay ng anumang komento sa alegasyon ng mga Hamas militants na ang Israel ang nasa likod ng nasabing insidente.

Magugunitang itinanggi ng Israel ang insidente kung saan galing umano sa mga Hamas ang rocket na pumalpak at bumagsak sa Al-Ahli Baptist Hospital.

Dahil na rin sa insidente ay sumiklab ang kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na komokondina sa insidente.