-- Advertisements --
Inaprubahan ng United Nations ang resolution na humihiling ng ceasefire sa labanan sa pagitan ng Israel at mga Hamas militants.
Ang resolusyon ay isinulong ng Jordan sa General Assembly.
Mayroong 120 na bansa ang pumabor sa resolusyon, 14 ang kumontra at 45 naman ang nag-abstain.
Nakalagay din sa resolution ang pagkakaroon ng humanitarian access para sa pagdaan ng mga tulong.
Nananawagan din sa resolusyon sa agarang pagpapalaya sa mga bihag ng Hamas.