Ikinabahala ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa loob lamang ng isang araw ay dalawang paaralan na pinapatakbo ng UN ang inatake sa Gaza.
Sinabi nito na maraming mga bata at mga babae ang nasawi at nasugatan habang sila ay sumisilong sa gusali ng UN.
Dagdag pa nito na ang giyera ay nagdudulot na ng hindi katanggap-tanggap na pagdami ng mga sibilyang nadadamay.
Muli itong nanawagan ng pagtigil ng kaguluhan.
Samanatala natukoy na ng Israel Defense Forces ang lokasyon sa Al-Shifa Hospital na ginawang command center ng mga Hamas militants.
Ang nasabing pagamutan ay nilusob ng Israel kung saan maraming mga pasyente at sibilyan ang nasawi.
Nagpasalamat naman ang World Health Organization (WHO) dahil sa nailipat na ang nasa 31 na mga premature babies mula saAl Shifa hospital sa Gaza.