Nakakuha ng suporta mula sa miyembro ng United Nations ang pagsuporta sa pagiging miyembro ng Palestine.
Nitong Biyernes ay nakakuha ng 143 na boto ang pumabor na dapat maging miyembro nila ang Palestinian Authority habnag mayroong lima ang nag-abstain at siyam naman ang komontra.
Ilan sa mga bansa na kumontra ay ang Czechia, Hungary, Argentina, Micronesia, Nauru, Palau, Papua New Guinea, Israel at ang US.
Naging emosyonal naman si Palestinian ambassador Riyad Mansour kung saan sa kaniyang talumpati ay ibinahagi nito ang kalunos-lunos na pinagdaanan ng mahigit 1.4 milyon na Palestino sa Rafah mula ng maglunsad ang Israel ng kanilang military operations.
Pinasalamatan nito ang mga protesters sa mga iba’t-ibang unibersidad dahil sa nagpapakita ng suporta sa kanilang ipinaglalaban.