Nanawagan ang United Nations ng tatlong araw na tigil putukan o ceasefire sa Sudan.
Ayon kay UN secretary-general Antonio Guteres, na mahalaga ang pagkaaroon ng ceasefire bilang bahagi ng obserbasyon ng Eid’l Fitr.
Dagdag pa nito na ito lamang ang pagsisimula na magiging daan para sa tuluyang matigil na ang kaguluhan sa lugar.
Sa tigil putukan din aniya ay magkakaroon na pagkakataon ang UN na maghatid ng tulong sa mga residente na apektado ng kaguluhan.
Magugunitang maraming mga bansa ang nanawagan an rin ng tigil putukan dahil sa pagtaas na rin ng bilang ng mga nasasawing biktima.
maraming residente na rin ang lumkas dahil sa pangamba ng kanilang buhay bunsod na patuloy na labanan.
Nais kasi ng Rapid Support Forces na makontrol ang bansa kaya sila ay hinarang ng mga kasundalluhan ng Sudan.