-- Advertisements --
Kinondina ng US at United Nations ang pagpasa ng mga mambabatas sa Uganda na nagpapataw ng mabigat na kaparusan at itinturing na kriminal ang mga miyembro ng LGBTQ+.
Dahil dito ay hiniling ng UN High Commissioner for Human Rights kay Ugandan President Yoweri Museveni na huwag niyang pirmahan ang nasabing panukalang batas.
Itinturing kasi ng UN na ang panukalang batas ay lumalabag sa karapatang pantao.
Kapag napirmahan ang nasabing panukalang batas ay malalagay sa panganib ang buhay ng mga lesbian, gay at bisexual sa Uganda.
Nakasaad sa panukalang batas na aarestuhin ng mga otoridad ng Uganda ang mga LGBTQ+ na mayroong parusang panghabambuhay na kaparusahan.