-- Advertisements --
PNP CIDG 1

Napatay ng mga otoridad ang prime suspek at umano’y utak sa likod ng pananambang kay lanao del sur governer mamintal adiong jr.

Ito ay sa kasagsagan ng ikinasang oplan pagtugis ng mga tauhan ng pnp-criminal investigation and detection group at mga tropa ng ph army sa brgy. Pilimoknan, maguing, lanao del sur nitong miyerkules, mayo 3, 2023.

Ayon kay pnp-cidg director pbgen romeo caramat jr., maghahain lang sana ng warrant of arrest ang naturang mga otoridad kay oscar “Tamar” capal gandawali sa naturang lugar.

Nasawi si gandawali nang gantihan ito ng putok ng mga operatiba dahil sa bigla nitong panlalaban at unang pagpapaputok sa mga otoridad.

Nang dahil sa naturang sagupaan ay sugatan ang isang sundalo at si brgy pilimoknan chairman gamon manonggiring na agad namang naisugod sa pagamutan.

Nabatid na si gandawali ay nahaharap sa 7 counts ng murder, at 2 counts ng frustrated murder, habang narekober naman mula sa safehouse nito ang mga baril, ilegal na droga at paraphernalia.

Kung maaalala, noong marso ay una nang naaresto tatlo pang mga suspek sa naturang pananambang na sina amirodin dimatingcal, nagac dimatingcal, at palawan salem, habang napatay din sa ikinasang hot pursuit operation si alyas “Otin” na isa ring suspek sa nasabing krimen.