-- Advertisements --

Ibinunyag ng isang Barangay chairman ang umano’y tangkang pamimili ng boto ng ilang kandidato sa probinsiya ng Zamboanga del Norte partikular sa Dapitan City.

Ayon kay Barangay Canlucani Chairman Hon. Marvin Balanay, ilang araw bago ang halalan may ilang personalidad sa kanilang barangay ang may mga kahina-hinalang aktibidad na kahalintulad ng insidente nuong 2013 elections na namimili ng mga boto.

Nabatid na ang mga nasabing indibidwal ay supporters umano ng isang prominenteng pulitiko sa nasabing probinsiya.

Kwento ni Barangay Captain Balanay, inaayos nila ang mga streetlights sa kanilang barangay subalit dahil sa bigla na lamang ito napundi.

Sinabi ni Balanay na batay sa kaniyang naging experiensiya nuong 2013 elections ganitong modus ang ginagawa ng nasabing politician.

Ayon kay Balanay, batay sa report na kaniyang nakuha ang mga nasabing indibidwal ay mga supporter di umano ng mga Uy na kilalang politician din sa nasabing probinsiya.

Binigyang-diin ng kapitan na ayaw na nilang maulit pa ang talamak na vote buying sa kanilang barangay kaya mahigpit nila itong binabantayan.

Sa Zamboanga del Norte, dalawang kilalang pangalan ang magkakatunggali sa pagka gobernador ng probinsiya.

Ito ay sina Nene Jalosjos ng Nacionalista Party at Belen Tang-Uy ng PDP Laban.

Sa Dapitan City, ang mga tumatakbong pagka Mayor ay sina Bullet Jalojos at ang makakatunggali niya ay si Berto Uy.

Inimbestigahan na rin ng Dapitan PNP ang nasabing vote buying incident.

Ayon naman kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, may natanggap silang report na may mga naitalang vote buying cases sa Western Mindanao o Region 9 at iniimbestigahan na ito ngayon ng PNP.