Patay ang umanoy isang hinihinalaang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ng makasagupa ang mga tropa ng sundalo sa bayan ng Baleno, Masbate kagabi.

Batay sa report ng PNP, sugatan ang isang sundalo sa nasabing enkwentro.

Nagsasagawa ng combat operation ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa Barangay Gangao nang makasagupa ng mga ito ang umano’y mga miyembro ng rebeldeng grupo.

Tinatayang nasa 30 miyembro ng NPA ang nakasagupa ng mga otoridad sa pamumuno ni Rolidel Tugbo alyas “Ka Bungkig” ng Masbate.

Narekober sa encounterb site ang isang rifle, bala ng grenade launcher, cellphone at ilang mahahalagang dokumento ng komunistang grupo.