-- Advertisements --

DAVAO CITY – Magsasagawa ng kanilang sariling imbestigasyon ang Simbahang Katolika sa Davao Oriental patungkol sa umano’y imahe ni Kristo na nakita sa isang pader sa kanal malapit sa baybayin ng Governor Generoso, Davao Oriental.

Inihayag ni Reverend Dave Felizardo ng St. Francis Xavier Parish sa Governor Generoso, agad na nakaratinig sa kanila ang naturang balita at kailangan nilang alamin ang totoong mensahe nito.

Sa ngayon, nais ng simbahan na manalangin muna at magnilay-nilay ang mga tao.

Una rito, kumalat sa social media ang imahe ni Kristo na sinasabing nakita ng isang babae sa Purok Lawaan, Barangay Don Aurelio Chicote, noon pang December 20.

Dito ay bumuhos ang maraming tao sa lugar upang mag-alay ng dasal at magpaabot ng kanilang mga kahilingan.