Pinawi ng Philippine National Police ang pangamga ng publiko pahinggil sa mga banta ng bomb threat na napaulat sa ilang lugar sa bansa.
Ito ay matapos na mabulabog ang lahat kasunod ng kumalat na bomb threat sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources sa Quezon City, gayundin sa Qimonda Building kung nasaan ang Regional Trial Court sa Cebu City, at maging sa Schools Division Office sa Bataan, at Subic.
Ayon sa PNP, agad na rumesponde ang lokal na kapulisan sa naturang mga lugar na nakatanggap ng bomb threat ngunit batay sa kanilang isinagawang panelling, at inspeksyon ay wala itong nakitang anumang uri ng pampasabog sa mga nabanggit na lugar.
Matatandaang nag-ugat ang naturang bomb threat matapos na makatanggap ng email ang naturang mga government offices mula ulit sa isang nagpakilalang Japanese lawyer na si Takahiro Karasawa na nagsasabing naglagay umano siya ng mga high-performance bomb sa ilang major Philippine government facilities na maaaring sumabog anumang oras.
Dahil dito ay agad na nagpatupad ng suspensyon sa klase at operasyon ang apektadong tanggapan bilang bahagi ng kanilang precautionary measures.
Kung maaalala, una nang sinabi ng PNP na batay sa kanilang monitoring ay hindi lamang dito sa Pilipinas nagpapadala ng bomb threat via email ang Karasiwa kundi maging sa iba ring mga bansa.