ILOILO CITY – Patay ang isang lalaki matapos binaril sa ulo ng riding in tandem suspect sa Brgy. Democracia, Jaro, Iloilo City.

Ang biktima ay si Angel Lademora, 50, residente ng Brgy. Camiri, San Enrique, Iloilo at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Democracia, Jaro, Iloilo City.

Pinaniniwalaan umano ang biktima na asset ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PCpt. Eduardo Siacon Jr., hepe ng Jaro Police Station, sinabi nito na nagtamo ng malalim na sugat sa ulo si Lademora na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente at patuloy naman na pinaghahanap ang mga salarin sa krimen.

Nakatakda namang isailalim sa autopsy examination ang bangkay ng biktima.