-- Advertisements --
omicron2

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng umaabot sa 14,707 na mga bagong tinamaan ng COVID-19 infections sa nakalipas na Linggo.

Lumalabas na ang daily cases sa bansa ay nag-a-average na 2,101 mula September 12 hanggang 18.

Sa kabila nito, ito ay mas mababa umano ng 4% kumpara naman sa mga naitatala sa nakaraang Linggo nito.

Sa nabanggit namang bilang, nasa 727 ang mga pasayente na severe at nasa critical ang kondisyon sa mga ospitals.

Nakapagberipika rin naman ang DOH ng 300 pang mga nasawi sa nakaraang Linggo, ang 34 sa mga fatalities ay sa pagitan ng September 5 hanggang September 18.

Samantala, ang tinatawag na weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) ay tumaas ng 15.6% mula 13.3% sa pagitan ng September 10 hanggang 14.5% noong September 14.

Ayon sa independent monitoring group OCTA Research tumaas din ang positivity rates sa mga karatig na probinsiya ng Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna.