Nagbigay ng mensahe ng pag-asa si Ukranian President Volodymyr Zelensky para sa Ukrainians sa kanyang talumpati sa Kongreso.
Ayon kay Zelensky ginamit na umano lahat ng Russia laban sa lungsod ng Ukraine gaya ng Bakhmut ngunit hindi sumuko ang Ukraine.
Aniya, kumukuha ng halos 70,000 katao araw at gabi ang Russia ngunit nananatiling nakatayo ang Bakhmut.
Noong nakaraang taon, 70,000 katao ang naninirahan sa Bakhmut pero ngayon ay iilang sibilyan na lamang umano ang nananatili. Sinabi rin ni Zelensky na ilang beses na umanong nakipagsapalaran ang Donbas sa mabangis na labanan kontra Russia at bawat pulgada ng lupa na iyon ay nababad sa dugo pero ang Ukranian Donbas ay nakatayo pa rin.
Inamin rin ni Zelensky na bagamat lamang umano ang Russia sa bala, missiles at eroplano kaysa sa Ukraine, hindi pa rin daw nagpatinag ang defense forces ng Ukraine.
Kaugnay niyan, bilang pasasalamat sa mga ipinadalang sandata ng US, nagpakita si Ukrainian President Volodymyr Zelensky ng Ukranian flag na nilagdaan ng mga sundalo ng Ukraine.
Matapos naman nito ay pinaulanan si Zelensky ng masigabong palakpakan at nakatanggap pa ng standing ovation.