Makiki-isa si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa mga talakayan sa mga lider ng Group of Seven sa HiroshimaJapan.
Habang kinukumpirma ang plano, sinabi rin ni Ukrainian presidential office chief Andriy Yermak na makikipagpulong si Zelenskyy kay U.S. President Joe Biden sa sideline ng tatlong araw na summit hanggang Linggo.
Kung matatandaan, umalis si Zelenskyy sa Jeddah ng Saudi Arabia noong Biyernes pagkatapos dumalo sa Arab League Summit.
Dagdag dito, dadating si Zelenskyysa Hiroshima sa Sabado ng gabi at dadalo sa isang G-7 session sa susunod na araw.
Si Oleksiy Danilov, kalihim ng National Security and Defense Council ng Ukraine, ay kinumpirma na personal na dadalo si Zelenskyy sa naturang summit.
Sinabi ni Danilov na ang pisikal na presensya ng pangulo sa pagtitipon ay mahalaga para ipagtanggol ng Ukraine ang pambansang interes nito.
Ito ang magiging unang paglalakbay ni Zelenskyy sa Asia mula nang ilunsad ng Russia ang pagsalakay nito sa Ukraine noong Pebrero noong nakaraang taon.