-- Advertisements --

Pumanaw na si dating weightlifting champion Oleksandr Pielieshenko sa edad na 30.

Ayon sa Ukrainian Weightlifting Federation, na nasawi ito dahil sa pakikipaglaban sa Russia.

Hindi na nagbigay pa ng detalye ang UWF ukol sa kamatayan ng weightlifter.

Nagwagi to ng gold medals sa weightlifting events sa European championships noong 2016 at 2017 at lumahok sa Rio Olympics noong 2016.

Na-ban ito noong 2018 matapos na bumagsak sa drug test.

Taong 2022 ng sumali ito sa Ukrainian military forces noong lusubin sila ng Russia.