-- Advertisements --

Binigo ni Ukrainian tennis player Daria Snigur si seeded number 7 Simona Halep sa unang roung US Open.

Nakuha ng 20-anyos na si Snigur ang score na 6-2, 0-6, 6-4 para sa upset win laban sa 30-anyos na si Halep.

Ito ang unang tour-level na panalo ni Snigur at ang kaniyang ikatlong WTA-level match.

Inamin ni Snigur na labis itong kinabahan dahil sa matindi ang kaniyang naging kalaban.