-- Advertisements --
Umabot na sa 17 international parliaments ang nakausap ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky mula ng atakihin ng Russia ang Ukraine.
Matapos ang kasi ang Australian parliament ay nakatakda pang magbigay ng talumpati si Zelensky sa European Council, G7 at NATO sa mga susunod na araw.
Unang nagtalumpati si Zelensky sa European Parliament noong Marso 1 at nagkaroon ng special address sa Australian, Dutch at sa Belgian parliaments.
Noong March 8 ay isinagawa nito ang kanilang ikalawang talumpati sa United Kingdom parliament na sinundan ng mga talumpati sa mga gobyerno ng Poland, Canada, US, Germany, Switzerland, Israel, Italy, France, Japan, Sweden, Denmark at Norway.