-- Advertisements --
Binisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Bucha ang lungar kung saan maraming sibilyan ang nasawi dahil sa pag-atake ng Russia.
Sa naging panayam sa pangulo sinabi nito na dahil sa pangyayari ay mahirap na ngayon para sa kanila ang makipag-negosasyon sa Russia.
Ugali na aniya ang mga sundalo sa Russia na tratuhing bilang hayop ang mga tao.
Nagbabala pa ito na habang pinapatagal ng Russian Federation ang pagkakaroon ng usaping pangkapayapaan ay mas lalong titindi ang sitwasyon.
Magugunitang maraming mga bansa ang komondina sa ginawa ng Russia sa Bucha, Ukraine na maraming sibilyan ang nadamay.