-- Advertisements --

Nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa lahat ng mga western countries na pagbawalan at huwag patuluyin ang mga Russians.

Sinabi ng Ukrainian president na sa ganitong paraan ay mapipilitan ang mga Russians na manirahan sa kanilang sarili at mabago ang kanilang pilosopiya.

Isa aniya itong pinakamahalagang sanctions na ipapataw sa Russia ang isara ang mga borders ng mga bansa.

Nais lamang nito na isara ng mga bansa ang kanilang borders sa mga Russians sa loob lamang ng isang taon para maipatupad ang full embargo sa mga pagbili ng Russian energy.

Nauna ng ipinagbawalan ang mga Russian airlines na lumipad sa himpapawdi ng Europe at US pero walang kautusan na pagbawalan ang mga Russian citizens na magtungo sa ibang mga bansa.