-- Advertisements --

Naging emosyonal si Ukrainian high jumper Yaroslava Mahuchikh matapos na manalo ito ng gold medal sa World Indoor Championships sa Belgrade, Serbia.

Ito kasi ang unang gold medal ng bansa matapos ang mahigit 20-taon.

Binati ito ng mga nanood sa torneo lalo na ng ilabas niya ang watawat ng Ukraine.

Kuwento ni Mahuchikh na naging malaking hamon ang paglahok niya dahil sa hirap siyang makatakas sa kanilang bansa.

Mabigat din sa loob niya ang umalis sa kanilang bansa lalo na sa kasalukuyang nagaganap na paglusob ng Russia.