-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mandatory evacuation mula sa Donetsk region dahil sa patuloy na paglusob ng Russia.

Sinabi nito na ito ang naging pasya ng kaniyang gobyerno para hindi na dumami pa ang masasawing sibilyan.

Kinausap rin nito ang ilang residente ng Donbas na kung maarin ay magkumbinsi sa mga residenteng nagmamatigas na umalis.

Tinatayang aabot sa mahigit 50,000 mga bata pa ang naninirahan sa Donetsk region kung saan wala na ring gas supply doon na magiging problema ng mga residente ngayong panahon ng taglamig.

Nakahanda na ang mga bus at trains para sa pagsasakyan ng mga lilikas.

Ang mga residente naman na magmamatigas na umalis ay may ipapapirma sa kanila ang gobyerno na waiver na nakasaad na personal nilang sagutin ang sarili at hindi gobyerno sakaling ma mangyaring masama sa kanila.