Nakatakdang maghain ng petisyon ang Ukrainian Association of Football (UAF) na pagbawalan ang Iran na lumahok sa 2022 FIFA World Cup sa Qatar.
Ayon sa UAF na mayroong kasaysayan ng paglabag sa karapatang pantao ang Iran at nagsusuplay din ang mga ito ng drone sa Russia na ginamit sa pag-atake sa Ukraine.
Sakaling matanggal ang Iran sa kompetisyon ay maipapalit ang Ukraine base na rin sa qualifying results.
Isinagawa ang pagpasya matapos ang ginawang pagpupulong ng mga Executive Committee ng UAF.
Dagdag pa ng UAF na malinaw ang ginawang paglabag ng Iran sa United Nation Security Council Resolution 2231 o ang pagpapatupad ng sanctions sa Iran.
Magsisimula ang World Cup sa Nobyembre 20 kung saan unang sasabak ang Iran kontra England sa Nobyembre 21.