-- Advertisements --

Umalis sa kaniyang bansang Ukraine si reigning world heavyweight boxing champion Oleksandr Usyk.

Ito ay para paghandaan ang muling paglaban niya kay Anthony Joshua ng United Kingdom sa buwan ng Hunyo.

Ang 35-anyos na si Usyk ay may hawak ng WBA, IBF at WBO belts na bumalik sa kaniyang bansa mula ng naglunsad ng giyera ang Russia noong Pebrero 25.

Sinabi ng kaniyang manager na si Yaroslav Lordkipanidze na lumikas ito sa kaniyang bansa para sa itinuturing niyang mahalagang rematch.

Hindi naman nagbigay pa ng anumang detalye ito sa paglikas sa bansa.

Magugunitang tinalo ni Usyk si Joshua noong Setyembre sa pamamagitan ng unanimous decision sa kanilang laban na ginanap sa London.

Nauna rito ilang mga Ukrainian boxer gaya ni two-time Olympic gold medalist Vasiliy Lomachenko ang nagdesisyon na ipagtanggol ang kanilang bansa laban sa paglusob ng Russia.