-- Advertisements --

Inakusahan ng Ukraine ang Russia dahil sa leak ng dalawang malaking major gas pipelines sa Europe.

Tinawag ni Ukrainian presidential adviser Mykhaylo Podolyak ang insidente bilang “terror attack” sa damage sa Nord Stream 1 and 2.

Nagpapakita umano na nais ng Russia ng magkaroon ng pre-winter panic.

Dahil dito ay hiniling niya sa EU ng dagdagan ang military support sa Ukraine.

Sinabi naman ni Bjorn Lund ng National Seismology Centre ng Sweden ,na nagkaroon muna ng pagsabog bago naganap ang leaks.

Dahil dito ay pinayuhan nila ang mga barko na iwasan ang lugar malapit sa isla ng Bornholm.

Nakaranas ng mahinang pressure sa kanilang pipeline ang operator ng Nord Stream 2 habang ang operator ng Nord Stream 1 ay sinabing nagkaroon ng damyos ang kanilang mga tubo.

Ang operasyon ng Nord Stream 2 ay pansamantalang tumigil mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine habang ang Nord Stream 1 pipeline ay hindi na nagtransport ng gas mula noong Agosto dahil dahil sa sumailalim ito ng maintenance.