-- Advertisements --

Inamini ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na bumagal ang ipinapatupad nilang mga opensiba para mabawi ang ilang mga lugar na sinakop na ng Russia.

Sinabi nito na ang nasabing mga hakbang ay hindi tila isang pelikula dahil nakataya aniya ang buhay ng kanilang mga sundalo.

Sa mga nagdaang mga linggo ay mayroong walong bayan mula sa Donetsk at Zaporizhzhia ang kanilang nabawi.

Pagtitiyak pa nito na kahit walang gaanong pressure sa kanila ay itutuloy pa rin nila ang pagbawi sa mga lugar na sinakop ng Russia.