Nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang digmaan ay paparating sa Russia matapos ang tatlong Ukrainian drone ay pinabagsak sa Moscow.
Ayon kay Zelensky, bumabalik ang digmaan sa teritoryo ng Russia sa mga simbolikong sentro at base militar nito.
Aniya, ang Ukraine ay lumalakas ang pwersa ngunit nagbabala na ang kanilang bansa ay dapat maghanda para sa bagong pag-atake ng Russia sa energy infrastracuture sa panahon ng taglamig.
Nagsalita si Zelensky matapos pabagsakin ang tatlong Ukrainian drone sa Moscow noong Linggo.
Sa kabilang banda, sinabi ng Moscow na napigilan ng mga pwersa nito ang isang pagtatangka ng Ukrainian na salakayin ang crimea na nasasakop ng Russia gamit ang 25 drone sa isang buong magdamag.
Ang mga pag-atake na iniulat ay ang pinakabago sa isang serye ng kamakailang pag-atake ng drone kabilang ang sa Kremlin at mga bayan ng Russia malapit sa hangganan ng Ukraine, na sinisi ng Moscow sa lungsod ng Kyiv.