-- Advertisements --
Ipinaliwanag ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy kung gaano kahalaga sa kanila ang pagkakaroon ng maraming tankeng panggiyera.
Sinabi nito na mahalaga ang pagbibigay ng tangke ng mga bansa para tuluyang mabawi nila ang teritoryo na inangkin ng Russia.
Plano kasi nito na maglagay ng mga tangke sa bawat borders para hindi makalapit ang mga Russian forces.
Magugunitang patuloy ang paghingi ng Ukraine ng tangke partikular na ang German-made na Leopard 2 na kadalasang ginagamit ng mga miyembro ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) members.