-- Advertisements --

Hinikayat ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy ang mga mambabatas sa US na bilisan ng ipasa ang $60 bilyon na tulong sa kanila.

Ayon sa pangulo na ito ay para agad silang makabili ng mga armas para sa paglaban sa Russia.

Ilan sa mga plano nilang bilihin ay ang long-range arms at air defense systems.

Kapag naisabatas na ang nasabing pondo ay magpapakita na tunay na kaalyado ng Ukraine ang US.

Magugunitang ipinasa na ng US House of Representatives ang $95 bilyon na legislative package na nagbibigay ng security assistance sa Ukraine, Israel at Taiwan.