Nilinaw ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na nasa 31,000 sundalo nila ang napatay sa kasagsagan ng full-scale invasion ng Russia.
Ginawa ni Zelensky ang paglilinaw matapos ang inilabas ng Russia na mataas na death toll.
Ayon kay Zelensky, nasa 31,000 lamang ng nasawing Ukrainian soldiers sa giyera at hindi 300,000 o 150,000 o anuman ang sinasabi ni Putin at ng kaniyang mga kaalyado.
Bagamat ipinunto ni Zelensky na ang bawat buhay na nawala ay isang malaking kawalan para sa pwersa ng Ukraine.
Iniulat din ng Ukrainian President na libu-libong sibilyan ang nasawi sa mga lugar sa Ukraine na okupado ng Russia subalit hidni aniya malaman ang eksaktong bilang ng mga pinatay, tinorture at na-deport.
Samantala, inihayag din ni Zelensky na nasa 180,000 sundalo ng Russia ang namatay at libu-libo pa ang nasugatan.