-- Advertisements --
zelensky 2

Hindi natitinag si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa kabila pa ng pagtanggal ng US Congress ng pondo para sa pagbibigay ng military aid sa Ukraine.

Sa naging talumpati ni Zelensky kasabay ng pagmarka ng Defenders Day holiday ng kanilang bansa, hindi nito direktang binanggit ang naging desisyon ng US Congress subalit binigyang diin nito ang kanyang determinasyon para ipagpatuloy ang laban hanggang sa magtagumpay laban sa Russia.

Aniya, walang sinuman ang makakapag pabagsak sa katatagan,estabilidad at katapangan ng Ukraine.

Sinabi din nito na titigil lamang ang kanilang bansa na lumaban sa araw ng kanilang tagumpay at nanagkong lalaban kahit gaano man katagal.

Una ng sinabi ni US Pres. Joe Biden nitong linggo na nangako ang Republicans na magbibigay pa rin ng military aid sa Ukraine sa pamamagitan ng hiwalay na boto at hindi maaantala ang suporta ng Amerika.