Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na maglalabas ng subpeona para kay Senator Ronald “bato” dela Rosa bukas, May 11.
Sa isang pulong balitaan, nilinaw ni Remulla na Hindi ito isang arrest warrant kundi bahagi lamang ng imbestigasyon kaugnnay ng ilang reklamo laban kay dela Rosa sa umano’y extrajudicial killings sa war on drugs noong administrasyong Duterte.
Dagdag pa ng kalihim, wala pa din daw siyang nakikita ng kopya ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa dating senador.
Nauna na ring nilinaw ng ICC na wala pa silang inilalabas na public arrest warrant para kay dela Rosa.
Kaugnay nito, inanunsyo ni Remulla, na hindi umano itutuloy ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagde-deploy ng 10,000-man task force para tugisin ang senador. Ngunit patuloy naman aniya ang paghahanp ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kay dela Rosa para ipa-subpeona.
Matatandaan na hindi na muling pumasok sa Senado at nagpakita pa sa publiko si dela Rosa noong Nobyembre ng nakaraang taon matapos ang mga ulat na may inilabas na ang ICC na arrest warrant laban sakanya sa umano’y pagkakasangot sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Mayroon din nakabinbing reklamo laban sa senador sa Senate Committee on Ethics dahil sa tagal nitong hindi pagdalo sa mga sesyon ng Senado ngunit patuloy parin na tumatanngap ng kaniyang sweldo.















