-- Advertisements --
Plano ngayon ng Ukraine na gumawa ng sarilng drone technology para gamitin sa giyera.
Ayon kay Ukrainian Prime Minister Denys Shmyhal na mayroong mahigit 40 kumpanya ang mayroong kontrata para sa paggawa ng drones bilang panlaban sa Russia.
Isinagawa nito ang pahayag sa unang taong anibersaryo ng “Army of Drones” projects na pinagkaisa sa okasyon na mga kumpanya sa Ukraine na gumagawa ng unmanned aerial vehicles.
Mula aniya noong sinimulan ang proyekto ay nag-triple ang produksyon ng mga drones sa kanilang bansa.
Sa nasabing programa aniya ay nakapagsanay na sila ng mahigit 10,000 operators sa 26 training centers at mayroong nakalaang 10,000 sa mga susunod na buwan.