-- Advertisements --
Nakakuha ng panibagong tulong militar ang Ukraine sa United Kingdom.
Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ito ang naging resulta sa pagbisita niya sa UK at nakaharap ng personal si British Prime Minister Rishi Sunak.
Sinabi pa nito na nagtulong-tulong ang mga bansang Germany, France at UK na mabigyan ng tulong militar ang Ukraine para tuluyang mapalayas ang Russia.
Patuloy din ang paghiling niya sa mga bansa ng US-made F-16 fighter jets.