-- Advertisements --
Nais ng nuclear chief ng Ukraine na magkaroon ng United Natons peacekeepers na siyang magbabantay sa Zaporizhzhia nuclear power station.
Ang nasabing planta ay sinakop ng Russia noon pang Marso.
Sinabi ni Petro Kotyn na ang UN peacekeeping contingent ay maaaring maglagay ng security zone sa nasabing planta at para tanggalin na rin ng Russia ang kanilang puwersa sa lugar.
Magugunitang nagsagawa ng International Atomic Energy Agency (IAEA) sa nasabing planta kung saan nabahala sila sa ilang damyos na nakita sa planta.