-- Advertisements --
Humiling ang Ukraine sa Poland kung puwede nilang mabisita ang lugar na tinamaan ng rocket.
Sinabi ni Ukraine national security and defense council secretary Oleksiy Danilov na nais nilang makita ang lugar kung saan tumama ang rocket.
Handa umano nila ipasakamay ang ebidensy na ang Russia ang nasa likod ng pagtama ng rocket sa Poland.
Magugunitang inakusahan ng Ukraine ang Russia na sila ang responsable sa pagtama ng rocket sa bahagi ng Poland na ikinasawi ng 2 katao.
Taliwas naman ang pahayag ng ilang mga bansa na galing umano sa air defense ng Ukraine ang tumama sa Poland.