-- Advertisements --
Muling nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky sa kaalayadong bansa nito ng mga armas at kagamitang panggiyera.
Bukod pa sa nasabing mga armas ay isang hamon ngayon sa Ukraine ay ang kakulangan nila ng mga sundalo.
Aminado ang Ukraine military na nagkukulang na sila ng mga sundalo na isasabak laban sa Russia.
Sa haba na kasi ng giyera ay nagkakaroon na sila ng problema ng rotation ng mga sundalo na isasabak sa nasabing labanan.
Maraming mga volunteers na rin ang kanilang naisabak na sa bakbakan kontra sa Russia.