Inihayag ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nangangailangan sila ng mas mabilis na mga pagdeliver o pagdating ng mga armas mula sa iba’t ibang bansa dahil mas tumitinding mga pag-atake ng Russia sa gitna ng kanilang digmaan.
Ito’y inilabas ni Zelensky pagkatapos na manguna ang Germany at United States sa listahan ng mga bansang sumasang-ayon na mag-supply ng mga modernong tangke para sa Ukraine.
Aniya, kailangan ng naturang bansa ang US-made ATACMS missile na may saklaw na humigit-kumulang 300 km, na kung saan hanggang ngayon ay tinanggihan ng Washington na ibigay sa kanila.
Una na rito, sinabi ng isang presidential adviser na ang mga pag-uusap ay isinasagawa na sa pagbibigay ng long-range missiles upang maging tulong sa Ukraine laban sa Russia.