Puputulin na ng Ukraine ang diplomatic relations nito sa North Korea matapos na kumpirmahin ang pormal na pagkilala nito sa dalwang self-proclaimed pro-Russian republics sa eastern Ukraine.
Ang pagkilala ng North Korea sa Donetsk People’s Republic at Lugansk People’s Republic ay kasunod ng naging hakbang ng kaalyado ng Russia na Syria na pagkilala sa naturang mga teirtoryo ng Ukraine bilang Russian republics noong nakalipas na buwan.
Mariing kinondena naman ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba ang naging desisyon ng North Korea na kilalanin ang nasabing teritoryo na tinawag nitong temporary occupied lamang ng Russia.
Base naman sa North Korean state media na KCNA, ang naging desisyon ng North Korea na kilalanin ang independence ng dalawang teritoryo para magdevelop ng state to state relations sa mga bansa sa layong magkaroon ng kalayaan, kapayapaan at pagkikipagkaibigan sa mga nasyon