-- Advertisements --

Itinanggi ng Ukraine na nakubkob na ng Russia ang bayan ng Soledar sa silangang bahagi ng Donetsk region.

Ayon kay Serhiy Cherevaty ang tagapagsalita ng Eastern Groupo ng Armed Forces ng Ukraine na nagpapatuloy ang nasabing labanan sa lugar.

Unang sinabi ng Russian defense ministry na kanilang nakubkob ang Soledar.

Kapag nasakop kasi ng mga sundalo ng Russia at ang Wagner mercenary group ay makaabanse sila sa Bakhmut na matagal na nilang target.