-- Advertisements --

Inamin ng Air Force ng Ukraine na wala silang epektibong depensa laban sa Russia.

Sinabi ni Yuriy Ihnat, tagapagsalita ng Air Force Command ng Ukraine, na hindi nila kayang tapatan ang mga ballistic missiles na ibinibigay ng Iran sa Russia.

Ang nasabing missile ay kayang lumipad ng 300 kilometers hanggang 700 km na tumatama sa maraming lugar ng Ukraine.

Dahil dito ay humihingi sila ng tulong sa ibang mga bansa para palakasin ang kanilang air defense.

Nauna rito ay naghahanda ang Iran na magpadala ng 1,000 dagdag na armas kabilang ang surface-to-surface short range ballistic missiles at mga attack drones sa Russia na gagamitin sa Ukraine.