-- Advertisements --
Inakusahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Russia na plano nilang pasabugin ang kanilang dam sa hydroelectric plant sa souther Ukraine.
Kapag mangyari aniya ito ay magreresulta ito sa malaking sakuna.
Sinabi ng Ukrainian President na hinuhukay ng mga sundalo ng Russia ang Kakhovka dam sa Dnieper river.
Ang dam ay nasakop ng Russia pero patuloy ang paglapit ng mga puwersa ng Ukraine.
Sakaling masira ang nasabing dam ay maaapektuhan ang Zaporizhzhia nuclear power plant dahil ito ang nagsusuplay ng tubig doon para sa cooling water ng planta.
Magkakaroon din ito ng malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng Urkaine kapag ito ay tuluyang nasira.
Una ng inakusahan ng Russia ang Ukraine na nagpapasabog sila ng mga missiles sa Kakhovka dam.