-- Advertisements --

Nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na mayroong itinanim na bomba ang Russia sa kanilang Zaporizhzhia nuclear power plant.

Sa inilabas na video message ng Ukrainian president na hindi lamang ginagawang panangga ngayon ng Russia ang pinakamalakint nuclear plant sa Europa at sa halip ay ginagawa pa nila itong bilang armas.

Mula noong lusubin ng Russia ang Ukraine noong Pebrero 2022 ay nakontrol na nila ang nasabing planta.

Iginiit naman ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na wala silang nakitang anumang bomba na nakatanim sa plant noong kanila itong binisita.