-- Advertisements --
Inilagay ng Ukraine sa mataas na alert ang kanilang mga embahada at konsulada na nasa ibang bansa.
Kasunod ito sa serye ng pagbabanta sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga sulat na may bomba at mga bandalismo.
Nitong nakaraang araw lamang ay nakatanggap ng package na may laman na parte ng hayop ang mga embahada ng Ukraine sa Hungary, the Netherlands, Poland, Croatia, Italy, Austria at ibang mga konsulada.
Magugunitang noong nakaraang araw ay sugatan ang isang empleyado ng Ukraine Embassy sa Madrid matapos na makatanggap ang mga ito ng sulat na may laman na bomba.
Hanggang sa ngayon ay blanko pa rin ang Ukraine kung sinong grupo ang nasa likod ng nasabing pagbabanta sa kanilang konsulada at embahada.