-- Advertisements --

Nagkaroong ng prisoner swap ang Russia at Ukraine.

Ayon sa Russian at Ukrainian officials na mayroong tig-50 na mga sundalo na kanilang nabihag ang nakabalik na sa kani-kanilang mga bansa.

Sinabi naman ng Russian defense ministry na hawak nila ang kanilang sundalo na unang napaulat na binihag ng Ukraine noong nakaraang buwan.

Dadalhin ang mga ito sa pagamutan at tiniya ng Russian government na bibigyan sila ng karampatang tulong.

Sa panig naman ng Ukraine sa pamamagitan ng office of the President Andrii Yermak na ang dalawang sundalo sa 50 ay nahuli ng mga Russians sa Mariupol, Azostal, Chernobyl power plant at sa Snake Island.

Pagtitiyak nito na ginagawa nila ang lahat ng makakaya para mapalaya ang mga nabihag na sundalo sa pakikipagtulungan sa Coordination Headquarters for the Treatment of Prisoners of War.

Sa loob ng dalawang araw kasi ay nasa 86 sundalo ng Ukraine ay napalaya na at mula pa noong Pebrero ay mayroon ng 1,269 na katao ang pinalaya.