-- Advertisements --

Ililikas na rin ng United Kingdom ang ilan sa kanilang mga staff at konsulada sa China dahil pa rin sa banta ng novel coronavirus.

Mananatili naman sa nasabing bansa ang mga empleyado na kakailanganin sa mga kritikal na trabaho.

“As of 31 January, some staff and dependants from the British Embassy and Consulates are being withdrawn from China. Essential staff needed to continue critical work will remain,” saad sa inilabas na pahayag ng British government.

“In the event that the situation deteriorates further, the ability of the British Embassy and Consulates to provide assistance to British nationals from within China may be limited,”

Sa oras umano na maging kalmado na ang sitwasyon ay magiging limitado na lamang ang pagpapadala ng mga British nationals sa China.